Noong nakaraang Disyembre 2010, 30 kabataang ang isinailalim sa “diversion o intervention program”.
Ang nasabing programa ay nakapaloob sa Comprehensive Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 or Republic Act 9344 (RA 9344), isang batas na pumoprotekta sa mga batang menor de idad na nasangkot sa krimen na tinatawag na “Children in Conflict with the Law” o (CICL) .
Ayon sa RA 9344, ang mga CICL o batang sangkot sa krimen na may edad 15 pababa ay exempted sa “criminal liability” o walang pananagutan sa krimen kahit napatunayan ito.
Dahil sa wala silang“criminal liability”, hindi sila pwdeng i-detain o ikulong sa presinto kapag nahuli. Dapat ay maibalik agad sila sa kanilang mga magulang o kamag-anak. Kung wala na silang mga magulang o kamag-anak ay ipapasa sila sa DSWD at isasa-ilalim sa “diversion program“.
Dito ang mga bata ay inilalagay sa isang “counselling”.
Dahil sa hindi pa maaring ikulong, ang 30 kabataan ay binigyan ng alternatibong gawain. “Community Service” o pinaglilinis sa mga pampublikong lugar tuwing sabado, mula 8-10:00 a.m. sa loob ng limang (5) buwan. Sila rin ay pinag-uulat kasama ang magulang at social worker na nakasubaybay sa tanggapan ng Municipal Social Welfare & Development o MSWD minsan isang buwan.
Para naman sa mga CICLs edad 15-17, ang social worker naman ang magrerekomenda kung sila ay lilitisin at ipakukulong.
Layunin ng programang ito na muling maibalik sa lipunan ang mga bata at mabigyan ng pagkakataon na makapagbago.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento