Pinasinayaan noong Pebrero 16, 2011 ang bagong gusali ng pulisya ng Talavera at si Police Director General Raul M. Bacalzo, hepe ng pambansang pulisya ang naging panauhing pandangal.
Kabilang sa mga opisyales na dumating ay sina PSSUPT Roberto L. Aliggayu, PD, NEPPO PCSUPT Alan LM. Purisima, RD, PRO3 at iba pang opisyales ng pambansang pulisya.
Nagkaroon muna ng maikling programa, si Rev. Fr. Joel S. Cariaso ang nanguna sa panalangin, sinundan ng bating pagtanggap ni Mayor Nery Santos, dito ay kanyang sinariwa ang hindi inaasahang pangyayari kay PSSUPT RICARDO DAYAG nung unang araw ng bagong taon.
Ayon kay Mayor, sa kabila ng maikling panunungkulan ni PSSUPT Dayag ay nagpakita ito ng sinseridad at katapatan sa tungkulin at kung hindi nangyari ang trahedya ay sa kanyang panunungkulan sana bubuksan ang bagong himpilan ng pulisya.
Sa pamamagitan ng ginawang resolusyon ng Sangguniang Bayan, inihayag ni Mayor Nery na ang gusali ay ipapangalan kay Col. Ricardo Dayag.
Ipinaalala rin ni Mayor, na ang kaayusan at kaunlaran ng pamayanan ay nasa pagtutulungan ng pamahalaan, ng mamamayan at ng kapulisan. Na kung walang katahimikan ang pamayanan ay walang kaunlaran.
Sa pagsasalita ni PDG Bacalzo, isinalaysay niya ang kanyang nagdaang panunungkulan dito sa ating lalawigan. Pinasalamatan niya si Mayor Nery dahil sa ibinigay na tulong upang matapos ang bagong himpilan ng pulisya.
Ibinida din ni PDG Bacalzo na sila ni Mayor Nery ay magkakilala na mula pa man noong siya ay koronel pa lamang at ng siya'y hiranging PNP Chief tanging si Mayor Nery lamang ang nakadalo na mayor sa kanyang inagurasyon.
Kaya kahit hindi nakaprograma o walang pondo ang matagal ng nakatiwangwang na gusali ng PNP ito ay natapos ng mabilisan dahil na rin marahil sa pagiging magkaibigan ni Mayor Nery at PDG Bacalzo ng mahabang panahon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento