Miyerkules, Marso 2, 2011

Talavera malapit ng maging siyudad


Naabot na ng Talavera ang pamantayan upang maging syudad kaya naman ang pamahalaang bayan ay lubos ang pagsusulong sa panukala upang magkaroon ng kaganapan ito.
        Base sa pamantayan upang maging syudad ang isang bayan, nararapat na magkaroon ng kabuuang taunang kita na 100 milyong piso sa loob ng dalawang magkasunod na taon at mayroong populasyon na hindi bababa sa 150, 000 mamamayang naninirahan at may kabuuang sukat na hindi bababa sa 10,000 ektarya.
        Ang Talavera ay umabot na sa pamantayang ito.
        Tinatayang mayroon na tayong 150,000 bilang ng populasyon at may kabuuang sukat na 14, 256 ektaryang lupain, itinuturing na isa sa may pinakamalaking  munisipalidad sa probinsya ng Nueva Ecija at 100 milyong taunang kita.
        Nitong nakaraang taon 2010, naglabas ang Sangguniang Bayan nang panukala (resolution) upang maging isang syudad ang Talavera na isinumite sa Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija; ang Resolusyon Bilang  009-2010 na humihingi ng rekomendasyon sa Sangguniang Panlalawigan na i-endorso ang  Talavera sa “Senate at House of Representatives” .
        Humarap na rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan
ng Talavera sa Sangguniang Panlalawigan noong Setyembre upang ilatag at idepensa ang panukala.
      Samantala, ang naturang resolusyon ay naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong nakaraang Nobyembre 2010 at ngayon ay isinusulong naman ang pag-eendorso sa Senate at House of Representatives sa pamamagitan ni Representative Josefina Joson ng unang distrito ng Nueva Ecija.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento